Una sa Balita

Kaseksihang pang-Darna ni Liza inaabangan nina Megan, Anne, Maja

By
0 2,812

Payat-payatan na si Liza Soberano ngayon, na dapat lang naman, dahil malapit na nga niyang isuot ang costume ni Darna, na sa makabagong panahon ay unang isinuot nina Marian Rivera at Angel Locsin.

Anyway, makikita sa Instagram post ni Liza ang sunod-sunod na training mula boksing, at kung ano-ano pa. Pawis na pawis, halatang pagod, pero lutang pa rin ang ganda.

Sa form ng body niya ngayon, kitang-kita na ang mahabang leeg, ang pagliit ng kanyang mukha, paglabas ng mga muscle sa braso, paglabas ng mga buto sa bandang dibdib.

In short, bongga na ang katawan niya ngayon, at puwede na talagang sumigaw ng ‘Darnaaaaaa’!

“It doesn’t challenge you, it wont change you. #DarnaTraining,” sey ni Liza sa photo niya.

Suportado, at sobrang excited na ang mga kapwa niya diyosa sa kagandahan na sina Megan Young, Anne Curtis, Maja Salvador, Iza Calzado, at marami pang iba.

Jessy sumisid, nagliwaliw sa Tubbataha

Marami ang nag-alala kung bakit naging inactive si Jessy Mendiola sa Instagram. May problem ba ang girlfriend ni Luis Manzano? Heto ang sagot:

“To those wondering why I haven’t been posting for a week. It’s because I lived aboard in Tubbataha with amazing people, exploring the wonders the park could offer.

“So glad I was able to go to this magical place, it made me appreciate nature more. God is truly amazing! Kudos to the Tubbataha Park Rangers for taking care of one of the treasures of the WORLD.

“Some of you may not know, Tubbataha Reefs Na­tural Park is a UNESCO world heritage site. It is a protected area of the Philippines located in the middle of the Sulu Sea and 10-11 hours away from Puerto Princesa, Palawan. Posting diving/underwater pics soon,” sabi ni Jessy.

James, Nadine magkasundo sa kabaliwan

Joshua Tree, California naman ang naging destinasyon ng magdyowang Nadine Lustre at James Reid. Ang bongga talaga ng magdyowang ito, na parehong mahilig sa nature, mahilig sa maglublob sa tubig.

Sa latest Instagram post ni Nadine, makikita na nasa Joshua Tree nga sila, at nakalublob ulit sa Jacuzzi na magkasama. Red bikini 2 piece ang suot ni Nadine, habang topless at boardwalk shorts naman ang suot ni James, with matching sumbrero. Larawan ng masayang magdyowa ang makikita sa kanilang dalawa.

Nakakaloka lang na sinubukan din nilang dalawa ang sumuot-suot sa mga malalaking bato, ha! Sobrang tapang sa adventure ng dalawang ito, mga bagay na hindi kayang subukan ng maraming artista, pero nagagawa nilang dalawa.

“She’s on an adventure to become a goddess,” sabi ni James sa video na pumapasok sa maliliit na butas na napapagitnaan ng malalaking bato si Nadine.

Ngayon, alam na nating lahat kung bakit love na love nina James at Nadine ang isa’t isa, at ‘yun ay dahil pareho sila ng hilig, nagkakasundo hindi lang sa harutan, kundi pati na sa mga mas nakakatakot na eksena sa buhay nila.