Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaseksihan ni Ivana dinumog ng mga yakman

0 298

Selyado na ang pagiging reyna ni Ivana Alawi sa tuluy-tuloy na pamamayagpag niya sa social media.

Sa loob lamang ng 3 oras ay umabot na sa kulang-kulang 500,000 ang mga like sa pinosteng mga sexy photo nito sa lalabas na calendar mula sa liquor company na Tanduay para sa 2021.

Nakaposte sa Instagram ni Ivana ang nakapaglalaway na one-piece beaded bathing suit. Mas lalong lumutang ang pagiging dyosa ni Ivana sa mga bago niyang larawan.

Wala na talagang kakabog pa kay Ivana kung kaseksihan at kagandahan ang pag-uusapan ngayon.

Sa totoo lang, nagiging tambayan na talaga ng mga yakman ang Instagram ni Ivana. At lahat ng mga photo niya na pinu-post ay palaging box office, at hindi sumisemplang sa paghakot ng mga like.

Kaya naman, karapat-dapat lang na ibigay kay Ibana ang korona bilang reyna ng social media. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.