Una sa Balita

Kaseksihan ni Glaiza pinaglawayan sa Bondi Beach

By
0 7,699

For the first time ay nagpasilip ng kanyang alindog ang bida ng teleserye na Contessa na si Glaiza de Castro sa bansang Australia. Nagbakasyon si Glaiza sa Land Down Under at isa sa kanyang pinuntahan ay ang sikat na Bondi Beach.

Sa naturang beach ay walang takot na nagsuot ng two-piece red bikini si Glaiza kunsaan kita ang kanyang mga abs. Pinaghirapan ngang ma-achieve ni Glaiza ang kanyang abs noong nagte-training pa lang siya para sa role niya as Pirena sa Encantadia noong nakaraang taon.

“Nagte-training din sa Oz. Charowt. #ContessaDaniellasTraining,” caption pa ni Glaiza.

Maraming mga netizen ang nainggit sa well-toned abs ni Glaiza, samantalang meron namang namangha at naglaway sa seksing katawan ng aktres.

May nag-compare pa kay Glaiza sa mga sexy lifeguards ng programang Baywatch.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy