Una sa Balita

Kasaysayan walang katumbas na halaga

By
0 101

Ang ating kasaysa­yan bilang isang lahi ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino. Ang bawat yugto nito, ang lahat ng mga taong naging bahagi ng mga yugtong ito at ang mga bagay na naging kasangkapan sa pagguhit ng ating kasaysayan ay nararapat lamang ipagtangi at pahalagahan.

Kung kaya nga’t nakalulungkot ang balita kamakailan na ang orihinal na bandilang iwinagayway ni Gat Andres Bonifacio noong panahon ng rebolusyon kasama ang iba pang mahahalagang dokumento at kagamitan ng mga kasapi ng Katipunan ay naipagbili sa mga pribadong mamamayan. Ilan ding mga kagamitan at akda ng magkapatid na Antonio at Juan Luna, Dr. Jose Rizal, Josephine Bracken, at Emilio Aguinaldo ay kasama ring naisu­basta. Nakakagulat ang halaga ng mga nabentang kagamitan na kung tutuusin ay hindi dapat pagbili sapagkat ito ay pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas at ng sambayanang Pilipino. Bakit kailangang pagkakitaan ang mga mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan na sumisimbolo sa mga adhikaing ipinag­laban ng ating mga ninuno upang makamit ang kalayaang ating tinatamasa ngayon? Dapat na magkaroon ng batas na magbabawal sa pagbebenta at pagbili ng mga historical artifacts at magpapataw ng matinding parusa sa sinumang lalabag dito.

Related Posts

Nakapanlulumo ang tila kawalan ng pagpapahalaga ng ilan na­ting mga kababayan sa tunay na diwa ng napapaloob ng mga pirasong ito ng ating kasaysayan. Sa mga di-pangkaraniwang akda at kagamitang ito ay ibinuhos ng ating mga bayani ang kanilang lakas, talino at panahon upang mabigyang buhay ang pagmamahal sa bansa. Walang anumang ha­laga, sa a­king palagay, ang makatutumbas sa kanilang pag-aalay ng buhay para sa kasarinlan ng bayan. Nararapat lamang na ang kanilang mga alaalang na nanatili sa kanilang mga akda at gamit ay mabigyang pugay at halaga ng mga tuladnating nakinabang sa kanilang sakrpisyo.

Iminumungkahi ko na ang lahat ng mahahalagang kagamitan at kasulatan na nagingbahagi ng ating kasaysayan ay maila­gak sa pangangalaga ng National Commission for Culture and the Arts at maging bahagi ng koleksiyon ng National Museum. Sa ganitongparaan, masisiguro ang pagpa­panatili ng pangkasasaysayang kaha­lagahan o historical value ng mga nabanggit. Gayundin, maipapakita at maipauunawa sa ating mga kabataan na ang pagpapaha­laga sa alaala ng ating kasaysayan, higit sa diwa ng pagpapakasakit ng ating mga bayani, ay pamamaraanupangmaipamalas ang kanilang pagkamakabayan.