Una sa Balita

Kasarinlan

0 320

Sa Miyerkoles, ipagdiriwang natin ang ika-121 araw ng ating kasarinlan. Kasabay namang ipinagdiriwang ng Bacoor ang aming pagiging isang lungsod. 

Sa pagdiriwang na ito, hindi lang natin binabalikan-tanaw ang kasaysayan mula sa pagkakasakop sa atin ng mga dayuhan, kundi ang mas mahalaga, ang mga nakamit nating tagumpay mula noon hanggang sa kasalukuyan.

 Ang pagtindig ng ating mga ninuno at bayani, ang kanilang pagbuklod at pagkakaisa, ang na­ging susi at dahilan upang maitatag ang ating republikang malaya at handang salubungin ang anumang pagsubok tungo sa mas magandang kinabukasan. Ganyan din ang tinahak tungo sa pagiging lungsod ng Bacoor. Ang naging pagkakaisa ng mga Bacooreño ang nagtatag ng isang lungsod na mas handang harapin ang mga hamon tungo sa higit pang progreso at kaunlaran ng bawat mamamayan.

 Kailangan nating panatilihing buhay at nagbabaga ang parehong tapang na ipinakita natin noong panahon ng himagsakan, ugat sa matinding pagmamalasakit at pagmamahal. ‘Yan ang magtutulak hindi lamang sa Bacoor, kundi sa buong bansa, papunta sa mga kapwa nating adhikain at aspirasyon ng kaginhawahan.

  Magagawa lang natin ‘yan kung tayong lahat ay lubos na magkakaisa — pagkakaisa hindi lang sa salita, kundi sa isipan, sa damdamin at sa gawa.

 Lalo na sa panahong ito na katatapos pa lang ng eleksyon. Napakaraming mga lumipad na chismis, paninira at akusasyon. May mga nais na gumawa ng hidwaan, intriga at kaguluhan sa maayos naman nating samahan at pagtutulungan. Isantabi natin lahat ‘yan at magtiwala tayo sa nagkakaisang tinig at lakas ng mga Pilipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy