Una sa Balita

Kasanayan sa wika, mahalaga sa trabaho

0 641

Nitong nakaraang linggo, nagpalabas po ng kautusan ang Korte Suprema na kuma­katig sa desisyon ng CHED na alisin ang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo.

Isinasaad po ng CHED Memorandum Order No. 20, na dinepensahan ng Korte Suprema, ang pagtatanggal sa Filipino bilang ‘core subject’ sa tertiary education bunsod ng pagpapatupad ng K-12 Program.

Nirerespeto po natin ang desisyon ng kataas-taasang hukuman at kinikilala din po natin ang ‘academic freedom’ ng halos 2,000 mga higher education institution (HEI) sa bansa na umukit ng mga progra­mang magbibigay ng mas magandang oportunidad at trabaho sa kanilang mga graduate.

Napakahalaga po ng language proficiency sa pag-aaplay sa trabaho at umaasa po tayo na sa kabila ng ruling ng Korte Suprema, bibigyang diin pa rin sa ating mga kolehiyo ang kasanayan sa iba’t ibang wika hindi lamang sa Filipino at Ingles kundi maging sa iba pang mga banyagang wika at mga dayalektong umiiral sa bansa.

Nananawagan po tayo sa DepEd na pag-aralan ang estado ng Filipino bilang asignatura at wikang panturo sa basic education at humanap ng mga bagong paraan para mapalalim ang pagpapahalaga ng kabataan sa ating sari­ling wika.

Makakatulong din po ang pagbibigay ng dagdag na pagsasanay o ‘retooling’ sa ating mga guro para matiyak na makakapagturo sila sa iba’t ibang aralin gamit ang ating wikang pambansa.

Para sa DOLE, kaila­ngang bumuo ng mekanismo para tiyaking hindi magreresulta ang ruling ng Korte Suprema sa pagtatanggal sa trabaho ng mga guro sa Filipino. Pinanga­ngambahan po kasi ang paglusaw sa mga Filipino Department sa mga HEI dahil sa kautusan ng Korte Suprema.

Related Posts

Marami rin pong mga masteral at doctoral student sa Filipino ang nangangambang mababalewala ang kanilang pinaghihirapang kurso dahil sa tiyak na pagbaba ng demand sa mga guro sa Filipino sa kolehiyo.

Suportado din po natin ang anumang panukalang magpapatatag sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Job Fair Schedule:

Diskwento Caravan-Balik Skwela Job Fair—Kidapawan City Gymnasium—June 1-3

67th Araw ng Zamboanga del Norte Job Fair—Zamboanga del Norte Cultural and Sports Complex—June 3

Pangasinan Job Fair on Wheels—Alvear St., Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan—June 4

(senatorjoelvilla­nueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy