Una sa Balita

Kasambahay ni Ai Ai nabalian ng tuhod dahil sa itim na anino

By
0 26

Dahil sa All Saints’ Day at All Souls’ Day, palasak na naman ang mga horror story ng mga artista na may mga nakakatakot na karanasan kaya naniniwala sila sa mga kababalaghan at totoo na may mga ­multo na nagpaparamdam at gumagala sa paligid.

Nabali ang tuhod ng kasambahay ni Ai Ai delas Alas nang tumalon ito mula sa mataas na hagdan ng bahay ng Comedy Queen dahil diumano, nakakita siya ng itim na anino.

Ayon kay Ai Ai, hindi nagtatagal ang serbisyo ng kanyang mga kasambahay na biglang nagpapaalam dahil may nararamdaman sila na kaka­iba sa dating bahay na tinitirhan niya.

Abante Hiring – IT dep

Nakumpirma ni Ai Ai na may bahid ng katotohanan ang mga kuwento ng kasambahay dahil sa tatlong beses na pagkatok na nari­nig niya, kahit wala siyang kasama.

Nalaman din ni Ai Ai na dating sementeryo ang kinatitirikan ng kanyang ­bahay dahil sa bungo na nahukay ng driver niya.

Ang mga kababalaghan na naranasan ni Ai Ai ang dahilan kaya’t lumipat siya sa ibang bahay at mula noon, naging magaan na uli ang takbo ng ­buhay niya.