Una sa Balita

Kasamang akusado ni De Lima arestado sa Pampanga

0 220

PAMPANGA

Nadakma ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasamang akusado ni Senador Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na kalakaran ng droga sa National Bilibid Pri-son (NBP) matapos ang may dalawang taon pagtatago sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni NBI de-puty director Ferdinand Lavin ang suspek na si Jose Adrian Dera na naaresto dakong alas-8:50, Biyernes nang umaga sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng Muntinlupa City regional trial court (RTC) noong 2017.

Si Dera, ayon sa korte ay ay nahaharap sa kasong two counts of conspiracy para sa illegal drug trade at naipasok ito sa Muntinlupa City RTC branches 205 at 256.

Napag-alaman sa Department of Justice (DOJ) na si Dera ay pamangkin ni De Lima ngunit itinanggi ito ng senadona na kilala niya si Dera.

“I do not know Mr. Dera at all. He is not a nephew or a relative of mine of any degree. He has not worked for me as an aide or in any capacity. I simply do not know him from Adam,” ani De Lima. “Dera himself already denied any relationship or connection to me whatsoever.”

(A­llan Bergonia/J­uliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy