Una sa Balita

KASALANG BILLY AT COLEEN NAPAAGA

By
0 139

Sigurado na ang kasal next year ng magkasintahang Billy Joe Crawford at Coleen Garcia na nakumpirma sa posting nito ng dalawang magkatabing photo ng aktres.

Pinaskil ni Billy sa Instagram account niya na @billyjoecrawford ang dalawang reaction shot ni Coleen sa harap ng slice na cake.

I love this beautiful woman! #MyEverything! ❤️

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

Nakasulat sa title ng magkahiwalay na photo frame ang “Fake” “Real”.

Pinaglaruan ni Billy ang reaksyon ng kasintahan na may “surprise” reaction.

Sa message caption dito sinabi ni Billy na pakakasalan na niya sa susunod na taon ang GF at hindi sa 2019 gaya sa naunang balita.

Sabi pa ni Billy, @billyjoecrawford, “this is our last anniversary before we lace it up! I love you so much @coleengarcia”.

Nakuha naman agad ng kanyang fans ang mensahe ng TV host.

@myreen_timoteo, “Wedding bells soon? OMG! Happy for you both”.

Sinagot naman ni Coleen sa kanyang Instagram post ang mensahe ni Billy.

Siya man ay nag-post ng larawan ng boyfriend sa harap ng parehong slice ng cake.

Nasa Antonio’s Resto sa Tagaytay City ang dalawa para sa kanilang anniversary.

Tinanggap ni Coleen ang pagpapakasal niya kay Billy sa susunod na taon sa message caption.

Anya, dalawang okasyon ang isi-celebrate nilang dalawa simula sa susunod na taon.

@coleengarcia, “starting next year we’ll be celebrating two of these. I love you with all Of my heart! @billyjoecrawford.”

Wala namang dudang ayaw nang patagalin pa ni Billy ang pagiging magkasintahan lang nila ni Coleen kaya atat na n’ya itong pakasalan.

KRIS SIGURADO NA ANG PAGIGING BILYONARYA!

Minsan pang binaliw ni Kris Aquino ang kanyang mga followers sa social media partikular na sa Instagram.

Sinasabi ng kanyang mga followers sa IG account nito na ‘kakaiba’ at ‘baliw’ ang kanilang idol.

Makikita sa IG wall ni Kris na nakalublob siya sa swimming pool habang nasa likod n’ya ang tuwang-tuwa anak na si Bimby sa tubig.

Ang sinasabing kakaiba, ay ang paglublob ni Kris kasama ang kanyang mamahaling gown na ginamit niya sa wedding ni QC Councilor Alfred Vargas.

Umani ng tagumpay at papuri ang itsura at ganda ni Kris sa ‘gold laced’ gown niyang ito.

Hindi siya nagpakabog sa ganda sa bride na si Yasmine Vargas.

Base sa caption ng photo, gusto raw ng managing director ng kanyang negosyo ang photo niya.

@kriscaquino, “birthday boy @nix722 wanted a pic-my gown got a bit wet so we decided, may as well use it as a mini photo shot w/a cute lifeguard ready to rescue me. Gown was by @michaelleyva..”

Ayon kay Kris sa isa niyang photo posting kasama ang nasabing manager ng food business na may IG name na Nicko F, ito raw ang nangalaga ng kanyang pera sa negosyo kaya nasa magandang puwesto ang kanyang investments.

@kriscaquino, “he put the financial side of my life in tip top shape & continues to help me grow my investments. Happy birthday to my managing director @nix722.”

Hindi man nagtagumpay sa ngayon si Kris na maging Pinay version ni Oprah Winfrey na merong sari­ling TV network company, mukhang mas mauunang siyang maging food snacks billionaire dahil nanganganak ang potato chips at nachos stall business niya.

Target naman niya ngayon ay bumuo ng isang internet-based channel company.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More