Una sa Balita

Kasalan sa Quezon niligalig, bisita todas

By
0 345

ISANG bisita sa kasalan ang nasawi makaraang tamaan ng bala ng baril sa ginawang pagsalubong sa bagong kasal sa Brgy. San Jose Anyao, Catanauan, Quezon kamakalawa nang tanghali.

Isang bala ang tumama sa kaliwang bahagi ng katawan ng biktimang si Andy Rebullo y Paelma, 47-anyos, na nakikisaya sa kasalan.

Batay sa report ng Catanauan police, alas-12:00 nang tanghali nang magpaputok ng baril ang suspek na si Noli Castañeda y Alvarado, bilang pagsalubong sa pagdating sa bahay mula sa simbahan ng bagong kasal nilang kabaranggay.

Subalit aksidenteng tinamaan ang biktima ng bala. Agad itong isinugod sa Bondoc Peninsula District Hospital su­balit ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at narekober dito ang lisensyadong kalibre .45 na ba­ril na ginamit nito.

Inihahanda na ang kasong homicide at indiscriminate firing laban sa suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy