Una sa Balita

Kasalan sa Kabul pinasabog, 63 patay

0 256

UMABOT sa 63 katao at inaasahang lolobo pa ang bilang ng nasawi sa nangyaring suicide bombing sa isang kasalan sa Kabul, kabisera ng Afghan kamakalawa.

Maliban sa 63 nasawi ay may 182 iba pang sugatan sa pambobomba na nangyari nitong Sabado, Agosto 17, taong kasalukuyan.

Mariin namang itinanggi ng Taliban ang partisipasyon sa nasabing pag-atake.

Ang death toll ay kinumpirma ni Interior Ministry Spokesman Nasrat Rahimi at ikinukun­siderang pinakamaraming nasawi sa Kabul sa mga nakalipas na buwan.

Kabilang sa mga namatay ay mga babae at bata, ayon kay Rahimi.

Nabatid na karamihan sa napuruhan ay mga babae at bata dahil bahagi ng tradisyon ng kasalan sa Afghan na magkahiwalay ang mga lalaki sa mga babae. Kasama ng mga babae ang mga bata at pinaniniwalaang pinuntirya sa pagsabog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy