Una sa Balita

Kasalan pinatigil ng coronavirus

0 265

KINANSELA ang mass wedding ng 42 couple sa La Union City na nakatakdang ikasal kahapon sa Araw ng Puso (Valentine’s Day) dahil sa banta ng Coronavirus Di­sease COVID-19.

Ayon kay La Union City Mayor Alf Ortiga, kinailangang kanselahin ang naturang pagdiriwang para umiwas sa banta ng COVID-19. Aniya, ang kanselasyon ay base na rin sa Department of Health (DOH) na iwasan muna ang mga matataong pagdiriwang para makaiwas sa sakit.

Dahil dito, nagdesisyon si Ortega na bigyan na lang ng ibang schedule ang 42 couple. Sa Pebrero 18, pitong pares ang nakatakdang ikasal, pito rin sa Pebrero 19, at 4 couple sa Pebrero 24.

Lahat ng ikakasal ang gaganapin sa tanggapan ng mayor sa nasabing siyudad. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More