Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kasalan na kasunod: Arjo humirit na ng ‘forever’ kay Maine

0 199

Ang sweet talaga ni Arjo Atayde. At base sa birthday wish niya sa kasintahang si Maine Mendoza, nagparamdam na ito na panghabangbuhay na ang kanilang pagmamahalan.

Sa pinoste nitong larawan sa Instagram na magkadikit sila ni Maine sakay ng yate, punung-puno ng pag-ibig at pag-asa sa ‘forever’ ang birthday message ni Arjo kay Maine.

Sa caption ng larawan, ayaw tumigil ni Arjo na makasama si Maine at gumawa ng mga magagandang alaala kasama ang isa sa mga host ng Eat Bulaga.

“I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby,” sabi nga ni Arjo.

Kinilig ang maraming fan ng dalawa na aprubado na nga ang kanilang relasyon forever.

Sharon hagulgol sa pagpanaw ni Rocky Gathercole

Isa si Sharon Cuneta sa maraming celebrity friends na nayanig sa biglaang pagpanaw ng international Pinoy designer na si Rocky Gathercole.

Parang biniyak ang puso ni Sharon sa balita at halos hindi mapatid-patid ang mga luha sa kanyang mga mata sa video na pinoste niya sa kanyang Instagram.

Ayon sa megastar, maraming taon na niyang kaibigan si Rocky na paborito siyang damitan ng mga designed gown nito.

SM food to go Banner Ad

Isang pure Sharonian si Rocky kaya ganon na lang ang lungkot ng Megastar.

Nasa shooting ng Revirginized si Sharon, kasama si Rosanna Roces, nang matanggap ang balita. Si Osang ay kaibigan din ni Rocky.

Mababasa rin ang pagdadalamhati ng iba pang taga-showbiz na nadamitan na ni Rocky, na sabi nga nila ay napakabait, napakahusay na designer.

Kilala sa American fashion at entertainment scene si Rocky dahil

nadamitan niya ang gaya ni Jennifer Lopez.

Danica lalong lumalim pag-ibig kay Pingris

Malalaman sa anniversary greetings ni Danica Sotto kung gaano katatag ang kanilang pagsasama ni Marc Pingris at kung paano bilang mabuting asawa at tatay ng kanilang mga anak ang cager.

Sa pinosteng throwback wedding photos ni Danica sa Instagram, inilahad nito ang buhay nila ni Marc sa loob ng 14 years.

“Happy 14th anniversary, Marc! Being your wife is such a wonderful blessing. I can see God’s faithfulness through your love, humility and leadership in our family. Yung love ko para sayo lumalim pa. The challenges that we experience life only makes us stronger. Alam mo yan, lagi nating pinag-uusapan na kakayanin natin basta with God on our side. I’m so excited for what he has in store for us this year. Thank you for always being strong at sa walang sawang pagmamahal at paga-alaga mo sa amin. I love you so much! Happy 14th! @jeanmarc15,” sabi ni Danica.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.