Una sa Balita

Kasal perfect sana kundi dahil kay Mommy Divine

0 627

Finally, ang pinakahihintay ng karamihan na entry ni Matteo Guidicelli sa kanyang Ins­tagram account after ng controversial wedding nila ni Sarah Geronimo ay naganap na kahapon nang umaga.

Nagpasalamat ito sa kanyang pamilya for welcoming and loving Sarah as their own daughter. Sinabi niya rin kung bakit kailangan nilang gawing intimate ang wedding dahil daw sa “private matters.”

Hindi man niya dinetalye kung ano ang private matters na ‘yon, pero dahil sa turn of events noong wedding sa pagsugod ng mommy ni Sarah na si Mommy Divine, siyempre, safe to say na ito ang posibleng “private matters” na tinutukoy ng actor.

Itinanggi rin ni Matteo ang paratang sa kanya ng bodyguard ni Sarah na sinapak niya ito. Aniya, “I never punched anyone.”

“02 20 2020, A day full of pure love, ho­nesty and genuin­e emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli.

“First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together.

We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters.

“Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on “social media” have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE.

“That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never “punched” anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family.

“I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family.

“In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place.

We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support!

“Again, from the deepest part of our hearts thank you!
Sincerely,

Mr. and Mrs. Guidicelli.”

At saka niya sinundan ng “#family,#BLESSED#HappywifeHappyLife.”

#happywifehappylife hashtag on Instagram • Photos and Videos

1.4m Posts – See Instagram photos and videos from ‘happywifehappylife’ hashtag

Sa post na ito ni Matteo, “post ng tagumpay” ang nakikita namin sa kanya na kahit na may tumututol, heto na, mag-asawa na sila ni Sarah.

Umaasa rin naman siya na in God’s time raw, lahat maghi-heal at magiging maayos ang lahat sa kanilang mag-asawa, pamilya ni Matteo at pa­milya ni Sarah.

Umani naman ng congratulations messages mula sa mga kapwa nila artista ang post ni Matteo Guidicelli.

Wala pa halos isang oras simula nang mag-post ito at mag-update ng Ins­tagram account, mahigit 100,000 likes na at 15,000 comments.

Ilan sa mga artistang nag-post ng pagbati nila at nagsabing happy sila for both Matteo and Sarah Geronimo ay sina Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Pauleen Luna-Sotto, Drew Arellano, Lucky Manzano, Meg Imperial, Barbie Imperial. Rowell Santiago, Mariel Padilla at Anne Curtis-Smith. Gayundin sina Christian Bautista at Mayor Vico Sotto.

Sina Dimples Romana, Angelika dela Cruz, Megan Young. Iza Calzado, Vina Morales, Nikki Gil, Darren Espanto, Erik Santos at Nico Bolzico na nag-welcome pa kay Matteo sa kanilang Bullied Husband Club.

Maging si Kris Aquino ay nag-comment at tila binigyan nito ng assurance si Matteo na maaayos din lahat.

Aniya, “with God’s GRACE & LOVE!” At saka sinundan ng hashtag na family.”

Anyway, kahapon ay nagpakita na rin sa press si Matteo sa presscon ng isang ini-endorse niya. At yes, buong ningning niyang ipinagmalaki ang wedding ring, at nagsalita na rin siya sa malaking kasalan sa simbahan, at siyempre sa honeymoon nila ni Sarah.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More