Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kasal nina Charlie, China dinagsa ng mga artista, politiko, negosyante

0 196

Tahimik na nairaos ang kasal nina Tarlac Rep. Charlie Cojuangco at China Jocson nitong Oct. 10. Si China ay dating GMA 7 broadcast journalist.

Anyway, ginanap ang church wedding nina Charlie, China sa San Sebastian Cathedral, sa Tarlac City na pinamunuan ni Bishop Macaraeg; Ang reception naman ay ginanap sa Kaisa Hall, Tarlac Plazuela.

Kabilang sa 35 na mga VIP guest ay mga Tarlac Mayors, Provincial Board members at iba pang mga LGU.

Pero siyempre, marami ring kaibigan sa showbiz ang mag-asawa. Namataan sa naturang kasal sina Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez, Ana Roces, Gloria Diaz (na kapatid ng yumaong dating asawa ni Charlie na si Rio Diaz-Cojuangco).

Mula naman sa business circle ay dumalo sina Ramon Ang, Tessie Sy Coson at Franciso Tiu Laurel. Ang bongga, di ba?

Naging madamdamin ang speech ng kapatid ni Charlie na si Mark Cojuangco. Si Tessa Prieto Valdes ang naging event host.

Anyway, unang kinasal ang dalawa sa huwes noong Abril at bago nito ay nagkaroon sila ng tinatawag na “betrothal ceremony” noong Enero.

Si Charlie ay may 2 anak sa yumaong si Rio Diaz-Cojuangco habang si China ay may isang dalagita na.

Siyanga pala, kamakailan ay nag-file na ng kandidatura si Charlie bilang last term-Congressman sa first district ng Tarlac habang ang kanyang asawa ay nanumpa naman bilang miyembro ng Nationalist People’s Coalition party. (DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.