Una sa Balita

‘Kasal’ nina Bea, Paulo, Derek patok sa Italy; Abante paboritong tabloid sa Milan

By
0 1,472

In fairness, well-attended ang two screening ng pelikulang ‘Kasal’ nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay na pinuntahan ko sa Milano Odeon – The Space Cinema sa Milan, Italy noong Sunday.

 Inabutan ko pa ang mga nanood sa first screening at sobra ang pila sa second screening.

After, ilang mga kababayan naman natin ang nakatsikahan ko at enjoy sila sa pelikula na idinerehe ni Ruel S. Bayani.

Type nila ‘yung pagi­ging closet gay ni Paulo sa pelikula.

Naku, Dondon (my dear editor), kung nandito ka lang, mapa-proud ka rin sa tuwing ipinakikilala ako ng taga-TFC (The Filipino Channel) na si Eric Chua bilang taga-Abante.

May ibang mga kababayan nga natin na nag-dialogue pa sa akin na, “Banggitin mo naman ang mga pangalan namin sa Abante para mabasa ng mga kamag-anak namin sa atin (Pilipinas).”

Kahit nga matagal na sila sa Milan, hindi nila nakakalimutan ang Abante (ang marami sa kanila, readers daw ng Abante sa online).

Yassi hindi mayabang na tulad ng isang young star

In fairness, hindi lang sarili ang inisip ni Yassi Pressman nang magdesisyon siyang bilhin ang bago niyang van, kinonsider din kasi niya ang kanyang pamilya.

Bale birthday gift niya ‘yon sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya na rin.

Bukod sa magiging comfortable siya sa kanyang showbiz work dahil kung wala man pahingahan sa set ay puwede siyang makapagpahinga sa loob ng kanyang sasakyan.

Sabi nga ni Yassi, ang bago niyang van ang extended home niya!

Kapag wala naman siyang showbiz work, type raw ni Yassi na makapag-long drive sila ng kanyang pamilya!

Ang maganda kay Yassi, sumisikat man siya ngayon, wala pa rin naman daw pagbabago sa kanyang ugali, siya pa rin ‘yung dating sweet sa lahat ng mga kakilala niya.

Actually, even sa entertainment press, mabait itong si Yassi.

Nang makasabay ko nga siya sa isang party kamakailan, napansin ko na walang ka­ere-ere itong si Yassi.

Kapag may mga bisitang tsumitsika sa kanya, kahit hindi niya kilala, tsika-tsika rin siya.

Pati sa mga nagpapa-picture, very accommodating si Yassi.

Puwede bang sabihin na malayo siya sa isang aktres na kakilala niya pagdating sa pagiging ma-PR sa lahat?

Well… 

Karla, Daniel, Rommel lakas maka-good vibes sa mga fan

Nakaka-good vibes ‘yung pinost ni Karla Estrada na picture nila nina Daniel Padilla at Rommel Padilla na magkakasama sa kanyang Instagram account (@karlaestrada1121).

Part ng caption ni Karla, “Good lunch and great planning today. More blessings to all of us.”

Maganda lang na kahit may kanya-kanyang buhay na sina Karla at Rommel, pagdating naman sa kanilang anak na si Daniel, ay magkasama silang nagpaplano ng mga bagay-bagay.

Maganda rin na magkaibigan sina Karla at Rommel kahit pa nga nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila noong araw.

May mga nakakapansin nga pala na medyo pumapayat na si Karla.

Type kayang ibalik ng nanay ni Daniel ang dati niyang kaseksihan?