Una sa Balita

Kasal ni Derek kay Jolly napawalang-bisa na

0 414

Pinawalang-bisa na ang kasal ni Derek Ramsay sa estranged wife nito na si Mary Christine Jolly.

Ayon sa aktor, “null and void” na ang kasal niya kaya tuloy-tuloy lang ang happiness niya kasama ang current girlfriend na si Andrea Torres.

Kinumpirma ito ng aktor nang may isang netizen na nag-wish na sana ay annulled na ang kasal nito para tuluyan nang maging malaya ito at maging happy na ito with Andrea.

Sinagot ito ni Derek na: “I am dear.”

Ang legal counsel ni De­rek na si Atty. Josabeth ‘Joji’ Alonso ang nagsabi na “null and void” ang kasal ng aktor kay Mary Christine.

“Derek’s marriage has long been dec­lared null and void.”

Pagpapatuloy pa ni Atty. Joji: “Yes po, nothing negative in your comment. I just wanted to clarify that when @ramsayderek07 replied ‘I am dear’, he wasn’t referring to his state of being happy. He was confirming the fact that he is no longer married to anyone. His marriage has not been annulled. That is an incorrect term. His marriage has been dec­lared null and void. #Peace”

Kaya confirmed na single na ulit si Derek.

Kinasal noong April 2002 si Derek at Mary Christine sa Balagtas, Bulacan. Limang buwan lang daw silang nagsamang dalawa at naghiwalay sila.

Matagal na tinago ni Derek ang tungkol sa kanyang tunay na estado hanggang sa maibunyag ito in August 2014. Nalaman din ng publiko na may 11-year old son na siya that time na nagngangalang Austin.

Nagkaroon pa ng legal battle ang estranged couple para sa kanilang anak at humantong ito sa isang compromise agreement.

Noong August 2019 pa pala napawalang-bisa ang kasal ni Derek kay Mary Christine. Ibig sabihin ba nito na puwedeng-puwedeng magpakasal sina Derek at Andrea anytime? (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More