Una sa Balita

Kasado na ang Balinas Cup

0 337

NAKATAKDANG kasa ang last leg ng Metro Manila 2019 Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. Chess Cup National Executive Chess Grand Prix na uumpisahan sa Sabado sa Activity Hall sa Second Floor ng Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City.

Naghayag ng pagsali sina Dentist Alfred Paez at Information Technology expert Joselito Cada sa event na hinati sa dalawang (2) division, Open Class A 2000 and Up January 2019 NCFP rating at Challenger Class B 1999 and Below January 2019 NCFP Rating.

Ipatutupad ang time control 20 minutes + five seconds delay.

Tatanggap ang magkakampeon ng cash prizes sa open category ng P7,000 habang ang next four placers ay magsusubi ng tig P4,000, P3,000,P2,000 at P1,000.

Nakalaan sa Sixth hanggang 8th placers na tig-P500.

May special prizes para sa top Lady, top New Comer, top Senior at top after 4th round worth P1,000.

Ang Challenger champion ay mag-uuwi ng P5,000 habang ang runner-up ay tatangap ng P3,500 at ang next three players ay mag-uuwi ng tig P2,500, P2,000 at P1,000.

Hahamig din ng special prizes ang top unrated, top 2 of 1899 and Below rating at top after 4th round worth P1,000.

Bukas sa lahat ng qualified PECA Members, kung saan Reg. fee ay P 1,000 habang ang On site ay P1,200. Applicable para sa Open at Challenger. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy