Una sa Balita

Kasabwat pa sa Bitcoin scam tukoy na

By
0 1,678

Maliban sa pagkakasukol sa itinuturong operator ng bitcoin investment scam na si Arnel Ordonio ay kinumpirma kahapon ni Cabanatuan City Ma­yor Julius Cesar Vergara na may lead nang tinutumbok ang mga awtoridad kung sino ang iba pang kasapakat ng suspek sa scam.

“We are assessing the extent of the victims/and perpetuators of the scam and we now have leads,” giit ni Mayor Vergara.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang alkalde sa kalagayan ng mga biktima dahil sa mga tinatanggap na death threat matapos na mabunyag ang scam.

Noong nakaraang Linggo ay isang 43-anyos na restaurant owner na si Ingrid Vallarta ang natagpuang nakabalot ng packaging tape ang ulo, sa Quirino, Isabela makaraang naiulat na nawawala mula noong Abril 3.

Naiulat itong naglagak ng P500,000 sa bitcoin.

Para naman kay NE 3rd District Rep. Rosanna Ver­gara, atubili itong magbigay ng legal assistance sa mga biktima ng bitcoin investment scam dahil puro laway lang umano ang mga naging transaksiyon.

“Nakakalungkot na mayroon pa rin mga naloloko sa mga Ponzi schemes na ganito. Sa mga nawalan ng pera sumama sa class action suit – hard to extend legal assistance when there are no contracts and when people voluntarily invested knowing there are no contracts but just commitments,” anang opisyal.