Una sa Balita

Karylle talunan sa boobs ni Zsa Zsa

By
0 2,812

Well, masasabing kunsintidorang anak si Karylle kung tungkol sa mga pagpapakita ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla ng mala-papayang boobs. Marami nga ang nakakapansin na sa kabila ng edad ni Zsa Zsa ay taglay pa rin nito ang bababoom figure na puwedeng itapat sa mga nagpapaandar nating female celebs.

Aba naman, sa edad niyang 53 years old, mahirap i-maintain ang ganung kaseksihan, devah, na kahit nga si Karylle ay baka hindi niya mapantayan. Sa totoo lang!

Isa rin siguro ito sa mga dahilan kung bakit hindi talaga siya nakalimutan ni Conrad Onglao, kaya nakipagbalikan blues ito sa kanya.

Anyway, idolo talaga ni Karylle ang kanyang nanay especially sa kanyang work out routines na siyang nagbibigay sa kanya ng ‘katakam-takam’ pa ring katawan.

Araw-araw nga ay mega-zumba at pilates ang singer-actress with matching jogging and walking katulad ng ating dear editor dito sa Abante.

Yeah, inggt-much ang It’s Showtime Ms. Q. & A and Tawag Ng Tanghalan judge sa disiplina ng kanyang madir sa lahat ng aspeto ng physical health, na something daw na kailangan din niyan i-adapt although balingkinitan din naman siya.

‘Yung pa-Papaya ni Zsa Zsa? Aba, natural God-given gift ‘yun na hindi lahat ay nabibiyayaan.

‘Yun na!

Gretchen Ho nakipaglaro kay Kamatayan

Go-getter din talaga itong si Gretchen Ho, huh! Eh, paano naman siya ang kauna-unahang Pinay na nag-try ng nakakalula at kakalokang bagong sports adventure ngayon na Wing Walking.

Heto ‘yung exhibition na kung saan ang tao ay nakaupo sa labas ng bubong ng eroplano at nakatali lamang habang pinalilipad ang eroplano.

Ipinakita ito sa TV Patrol at marami talaga ang napanganga sa ginawa ni Gretch, pero sobrang dami rin ang humanga sa kanya.

Naku, ano kaya kung napigtas ang tali na ‘yun na wala man lang siyang parachute na nakakabit sa kanya, e, ‘di inilipad siya sa kalawakan. devah?

Mas nalalalokah pa ang waiver daw na pinirma­han niya stating na walang pananagutan ang kompanya in case of death.

Ano ito? Laro ng kamatayan na bahala ka sa buhay mo?

Kalurks! Pero, mukhang enjoy na enjoy naman ang dating dyowa ni Robi Domingo dahil once-in-a-lifetime experience nga raw ito sa kanya.

Ninerbiyos din daw siya lalo na at malakas ang hangin na parang nasasakal siya, pero dahil fee­ling secured naman siya at isa nga siyang brave girl, kaya, oks sa kanya ang lahat kahit dinadaga na ang mga nanonood habang nasa itaas siya ng ere, noh!

Ikaw na, Gretchen!