Una sa Balita

Karylle, Ryan nagplastikan sa premiere night ng ‘Papa Pogi’

By
0 453

Panay ang tukso ng mga manunulat kina Karylle at Ryan Bang sa premiere night ng pelikulang “Papa Pogi,” na kesyo nagpaplastikan lang sila. ‘Di ba nga, sabi-sabi na nag-away ang dalawa dahil pinaghintay ni ­Karylle si Ryan nang ilang oras nu’ng nanood sila ng concert.

Hindi nga raw nagustuhan ni Ryan Bang na nagmukha siyang tanga sa kakahintay kay Karylle.

Anyway, sa premiere night nga, nakita ni Karylle na magkatabi ang mga pangalan nila ni Ryan Bang sa upuan.

“Bakit kami magkatabi ng upuan ni Ryan Bang? Pa’no ang away namin? Hahahahaha!” natatawang hirit ni Karylle.
At siyempre, tinukso, at hiniling ng mga manunulat, photo­grapher na magpapiktyur na magkasama ang dalawa.
“Pa-picture tayo, kunyari lang,” naka­ngiting pangungulit ni Karylle kay Ryan.

Naku, parang napipilitan lang si Ryan na magpapiktyur kay Karylle, ha?
“Hindi kami away!” sabi ni Ryan.

Ano lang?
“Lambing lang!” sagot ni Ryan.

Naku, parang hindi naman, parang plastikan lang talaga, eh.

“Pampataas views ‘yan!” natatawang biro ni Ryan sa mga kumukuha ng video sa kanila ni Karylle.
Talaga ba???

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy