Una sa Balita

Karylle, Diana, Martin wagi sa 24th Asian TV Awards

0 377

Bumida ang Pinoy sa 24th Asian Television Awards na ginanap sa Newport Theater ng Resorts World Manila. Nanalo si ­Martin del Rosario bilang best leading male ­performance para sa digital film na Born Beautiful.

Post niya sa Instagram: “Truly honored to ­receive the Best Leading Male Performance award from the Asian Television Awards digital.”

Sina Karylle at Diana Zubiri naman ang tumanggap ng best single drama or telemovie award para sa Mystified.

Napanalunan naman ng Synergy 88 Entertainment para sa animated series na Barangay 143 ang best 2D animated programme. Ang theme song naman ng Barangay 143 na “­Alanganin” ay nanalo sa best theme song category.

Inawit ito nila Kris Lawrence at Krizza Neri.

Ang aktor na si Mark Neumann and ANC’s Cathy Yang ang naging host ng awards night kasama ang Thai actress na si Ase Wang and Singapore media ­personality Wallace Ang.

Mga nag-perform na Pinoy ay sina Martin Nievera, Gab and Kiana Valenciano, Jona, Morisette, Kris Lawrence, and 4th Impact. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More