Una sa Balita

Karpintero pinag-almusal ng bala

0 482

Hindi na natapos ng 45-anyos na karpintero ang kanyang pag-aalmusal nang agad masawi matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa San Pablo City kamakalawa nang umaga.

Nagtamo ang biktimang si Edison Martinez, nang mga tama sa ulo at katawan at nasawi bago pa man madala sa Panlalawigan Pagamutan ng Laguna.

Batay sa report ng San Pablo City police, nakaupo at kumakain sa loob ng kanilang canteen sa Brgy. San Jose ang biktima nang pumasok ang suspek alas-7:30 nang umaga.

Walang sabi-sabing nagbunot ito ng maiksing baril at malapitang binaril ang hindi na nakatayong biktima.

Agad din itong tumakas matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng pulis­ya kung ang krimen ay may kaugnayan sa kasong murder na kinakaharap ng biktima. Isinasangkot ito sa pagkamatay ng isang Medel Ulan, noong Enero 30, 2018. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy