Una sa Balita

Karne ng kuneho puwedeng pagkakitaan

0 594

Upang mapaunlad ang industriya ng pag-aalaga ng kuneho para kilalanin ito bilang isang pangunahing kabuhayan­ sa Pilipinas, nagsagawa ng dalawang araw na kongreso ang mga pambansang ahensiya at mga stakeholder nito sa buong bansa.

May temang ‘Karne ng Kuneho para sa Kalusugan at Kabuhayan’,­ daan-daang mga dele­gado mula sa mga pambansang ahensiya at mga stakeholder ang dumalo sa unang National Rabbit Congress kung saan layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng karamihan­ tungkol sa rabbit production bilang mapagkukunan ng kita at upang ipakilala ang karne nito bilang alternatibong pagkukunan ng protina at nutrisyon.

Matatandaang inihayag­ kamakailan ni Agriculture Secretary William Dar na isa ang karne ng kuneho sa mga nakikita ng gobyerno na puwedeng alternatibo sa karne ng baboy sa gitna ng patuloy na pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More