Una sa Balita

Karne ng baboy sa Baguio nagkukulang

0 284

DAHIL sa African swine fever (ASF), patuloy na nararanasan ang ­kakulangan ng suplay ng karne ng baboy Baguio City.

Ayon sa mga meat vendor ng lungsod, resulta ito ng pagpositibo ng lalawigan ng Benguet sa ASF.

Anila, marami silang hakbang na isinasagawa para makakuha ng ­suplay ng karne ng baboy na kanilang ibebenta.

Gayunpaman, sinabi ng mga meat vendor kulang pa rin ang suplay at hindi naibibigay ang ­demand ng mga mamimili. ­Malaki na rin umano ang epekto sa kanila ng ASF.

Una rito, iniutos ni Benguet Gov. Melchor Diclas ang pag-lockdown sa lalawigan para hindi makapasok ang mga buhay na baboy mula sa ibang lugar.

Kasunod nito, iniutos din ni ­Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang total ban sa pagpasok sa mga live pig sa siyudad bilang suporta sa utos ng gobernador para makaiwas sa ASF. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More