Una sa Balita

Karla tutulong sa ‘balikan’ nina Lola Violeta, Zacharis

0 259

Tutuparin ng “Magandang Buhay” host na si Karla Estrada ang hiling ng “Tawag ng Tanghalan” grand finalist na si Violeta Bayawa na mapanood ng asawa ang kanyang huling laban sa naturang singing competition.

“Kung nasa sa Zamboanga po kayo (Lolo Zacharias) at interesado kayong manood ay papadalhan namin kayo ng ticket. Papadalhan ko kayo Lolo Zacharias ng ticket kung gusto niyong manood, plus one,” sabi ni Karla.

Binalikan nga ni Violeta sa morning program ang makulay at masalimuot na pag-iibigan nila ng asawang si Zacharias ‘Ga’ Bayawa.

Ang kanilang pag-iibigan nga ang naging inspirasyon niya para makatawid sa final round. Marami nga ang bumilib kay Aling Violeta na wagas ang pagmamahal sa kanyang asawa, na ilang dekada nga niyang hindi nakasama, o nakausap man lang.

Matatandaan nga na noong Sabado ay isang video message galing kay Lolo Zacharias ang natanggap ng 70-anyos na contestant sa “TNT”. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy