Una sa Balita

Karla tatakbong Mayor sa Tacloban

By
0 2,375

Kapag may event sa lugar nila sa Tacloban, palagi pa ring umuuwi si Karla Estrada, kaya may ibang mga nagdududa nga na in the future ay kakandidato roon ang nanay ni Daniel Padilla.

May ibang mga nagsasabing may mga humihimok kay Karla na mag-mayor o congresswoman, pero mukhang hindi pa naman talaga decided tungkol doon ang isa sa mga host ng Magandang Buhay ng ABS-CBN.

May nakapagbulong nga sa akin na malabong pasukin na ni Karla ang mundo ng politika ngayong 2019 election. Pero posible raw sa 2022 election.

So, if ever, igi-give-up ni Karla ang kanyang showbiz career para tuluyang pasukin ang mundo ng politika?

Kapag nakakasama ko naman si Karla ay wala naman siyang sinasabing ganoon, so, feeling ko, may mga kumukum­binsi pa lang sa nanay ni Daniel, pero hindi pa nga talaga siya decided tungkol sa bagay na ‘yon, huh!

Saka sayang naman kung igi-give-up ni Karla ang Magandang Buhay dahil pa­tuloy pa rin naman silang namamayagpag sa ere kahit sila muna ni Melai Cantiveros ang nagho-host no’n at wala pa si Jolina Magdangal na nasa maternity leave pa rin.