Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Karla tatakbong Mayor ng Tacloban

0 285

Noon pa napabalitang kakandidatong Mayor ng Tacloban City si Karla Estrada. Ang tsika, marami pa rin daw kababayan ang nanay ni Daniel Padilla ang kumukumbinsing kumandidato nga siya sa kanilang bayan.

Pagbigyan kaya sila ni Karla?

Well, isa nga si Karla sa madalas maghatid ng tulong sa mga kababayan niya sa Tacloban. Na kapag may kalamidad ngang nangyayari roon ay agad siyang naghahatid ng tulong sa mga apektado.

SM food to go Banner Ad

Pero, hindi naman niya ginagawa `yon dahil sa intensiyon niyang tumakbo o pumasok sa politika. Ginagawa niya `yon dahil mahal na mahal niya ang mga kababayan niya sa Tacloban.

So, abangan kung makukumbinsi bang tumakbo si Karla? Si Karla na sanay na rin sa pagkampaniya, dahil ginawa niya yon kasama ang anak na si Daniel, noong tumakbo si Rommel Padilla, di ba?

Well… well… well… (Jun Lalin)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.