Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Karla nilampaso mga beauty queen: Piolo, Boy pinataob sina Coco, Maja, Kim

0 1,220

Inabangan ng marami ang resulta ng mga nanalo sa partylist, na mahigpit din ang laban, dahil pinasok na nga ito ng mga sikat na artista, beauty queen, social media influencer.

Na kung hindi man sila ang mismong mga nominee, in-endorse naman nila ang mga ito.

Anyway, linawin lang natin na ito ay base sa ‘Halalan 2022’ ng ABS-CBN, at ito ay partial, unofficial results, ha! Na habang sinusulat ito ay may 97.68% na, at ang election returns transmitted ay may 105,281 out of 107,785 clustered precincts.

Well, gaya ng inaasahan, nanguna ang ACT-CIS (may botong 2,070,277) na alam naman nating lahat na ang mga Tulfo rin ang mga nominado, o nangangasiwa. Madalas nga itong maging commercial sa show ni Raffy Tulfo noon.

At waging-wagi naman si Karla Estrada, at mukhang tama ang desisyon niya na pasukin ang politika, dahil pangatlo nga ang partylist niyang ‘Tingog’ (86) na habang sinusulat ito ay nakakuha ng 868,838.

Panalong-panalo rin ang ‘Ang Probinsyano’ (50) ni Alfred delos Santos na pang-number 7, at may 705,103 boto na. Ito nga ang partylist na kinampanya nina Piolo Pascual, Boy Abunda, JM de Guzman, at marami pang iba.

Samantalang ang inendorso nina Coco Martin, Julia Montez, at buong cast ng teleserye niyang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, ang AP Partylist (164) ay nakakuha lang ng 180,176 habang sinusulat ito, kaya pang-68 lang sila.

Heto naman ang iba pang partylist na may kinalaman sa showbiz:

Pang-siyam ang (140) ‘Tutok To Win’ na inendorso ni Willie Revillame, na may botong 674, 672.

Pang-12 naman ang (90) ‘Agimat’ ni Bryan Revilla, na may 582,255 boto.

Pang-40 ang (38) ‘Pinuno’ ni Lito Lapid with 295,367 votes.

Pang-43 naman ang (52) PBA with 285,238 na inendorso ni Maja Salvador.

Pang-72 naman ang (55) Smile with 155,628 na inendorse ni Kim Chiu.

Pang-93 ang (148) Wifi with 112,135 na in-endorse ni Barbie Imperial.

Pang-127 ang (80) Mocha with 59,025 nina Mocha, Michelle Gumabao.

Pang-141 ang (170) LBP na kasama si Melanie Marquez.

At halos kulelat na, dahil pang-144 ang (143) Arte nina Shamcey Supsup,na inendorse rin nina Rabiya Mateo, MJ Lastimosa.

Sa ngayon, hindi ko pa sigurado kung ilan ang kailangang boto ng isang partylist para makakuha ng tatlong ‘seats’ sa kongreso.

Ang sure lang, siguradong may puwesto na nga ang mga partylist na may nakalap na boto na mahigit sa 600,000 tulad noon. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.