Una sa Balita

Karla natakot sa mga fan nina Kathryn, Alden

0 438

Bagama’t hindi kasali sa pelikula ang anak niyang si Daniel Padilla, nagpakita ng kanyang suporta si Karla Estrada sa bagong pelikula ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” na dinidirehe ngayon ni Cathy Garcia-Molina sa Hong Kong.

Pinoste ni Karla ang poster ng pelikula sa kanyang Ins­tagram, at nilagyan niya ito ng caption na nag-eengganyo sa mga follower niya na abangan ang nasabing mo­vie.
“This 2019! A movie we can’t wait to see,” sabi ni Karla.

Posibleng nag-alala si Karla na baka kuwestyu­nin na naman siya ng mga fan ni Kathryn, kaya ipinaramdam at ipinakita niya na sinusuportahan niya ang career ng huli kahit hindi nito kasama sa movie ang anak niyang si Daniel Padilla.

Sabi nga ng iba, napi­litan lang si Karla dahil ayaw ni­yang awayin siya ng mga fan ni Kathryn. Kaloka, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy