Una sa Balita

Karla, Melai, Jolina mega rampa, mega lafang sa Cebu, Bohol

By
0 1,958

Ang bilis ng panahon, dahil heto nga at dalawang taon na palang pinagaganda ng mga momshies na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal-Escueta ang umaga niyo sa ABS-CBN talk na Magandang Buhay.

Kaya naman sa kanilang espesyal na anniversary episodes, happy TWO-gether silang tutungo sa Cebu at Bohol para sa exciting adventures at makabuluhang chikahan kasama ang kanilang mga espesyal na bisita.

Unang rarampa ang momshies sa Queen City of the South kung saan sasamahan sila ni Kim Chiu. Dahil homecoming ni Kim, ito-tour niya ang momshies sa mga lugar na malapit sa kanyang puso tulad ng Cebu Cherish School kung saan siya nag-high school at sa Larsian kung saan paborito niya ang barbecue.

Makakasama rin ng momshies para sa isang exclusive sit-down interview ang mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad kasama ang kanilang cute na anakshie na si Pio Joaquin at newly engaged na Pinoy Big Brother Unlimited big winner Slater Young at fiancée na si Kryz Uy.

Mula Cebu, tutungo naman sila sa Bohol para bisitahin ang iconic destinations doon at para balikan ang masasayang alaala ng tubong Bohol din na si momshie Melai.

Isang instant reunion din ang magaganap sa pagitan ni Xia Vigor at ang kanyang popshie habang sasabak naman sa parasailing sa Panglao beach sina Melai at Jordan.

At sa May 26 naman ay may gaganapin ding Momshie Fam Run at mamimigay din sila ng dalawang house and lots.