Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Karla loyal Kapamilya pa rin

0 180

Loyal pa rin si Karla Estrada sa ABS-CBN, kahit wala na siyang show roon.

Well, makikita sa Instagram ni Karla na sa Channel 2 pa rin siya nanood ng inagurasyon ni President Bonbong Marcos.

“10-30-2022: Panunumpa ng bagong presidente ng Pilipinas!
“President Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos.

“Pagkakaisa! Pagkakaisa! Pagkakaisa!

“Mabuhay po kayo mahal na Presidente at iyong buong angkan.

“Mabuhay ang Pilipinas!” ang caption ni Karla sa mga video na pinost niya na hango sa special episode ng Kapamilya channel para kay Pres. Bongbong.

Anyway, makikita nga ang chargen na ‘PANUNUMPA: THE MARCOS INAUGURAL’ na ginamit ng Channel 2.

Ang GMA 7 kasi ay “Ang Inagurasyon: The GMA News and Public Affairs Special Coverage.”

Siyanga pala, kasama si Karla sa pelikulang ‘Main in Malacanang’ na pinagbibidahan ng bestfriend niyang si Ruffa Gutierrez. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.