Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Karla, Jolina kinahiya ang malalaking binti

0 122

Bongga ang mga aral na ibinahagi ng momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada sa “Magandang Buhay” dahil ikinuwento nila ang kanilang mga insecurity.

Kuwento ni Jolina, ang yumaong aktor at kaibigan niyang si Rico Yan ang dahilan kung bakit natuto niyang mahalin ang kanyang malaking binti.

“Pagdating talaga sa binti may mangga-mangga, hinog ka na ba? Sorry ha, pero ang unang kumanta sa akin ng ‘mangga-mangga, hinog ka na ba?’ si Rico Yan. Pero mula noon ay siya rin ang nagsabi sa akin na mahalin mo ‘yan, kasi ang sporty na mga tao ay malalaki talaga ang muscle nila sa binti,” chika ni Jolina.

“Dati Indian mango siya, ngayon kalabaw na mangga. In-embrace ko rin siya,” dugtong ni Jolina.

Si Melai naman ay ikinahiya ang legs niya na super payat.

“Sobrang insecure talaga ako, kaya lagi akong nagle-leggings, tinatago at ang dami ring butones, peklat sa legs ko,” saad ni Melai.

Nawala lang daw ang insecurity niya noong pumasok siya sa “Pinoy Big Brother”.

Si Karla ay sa legs din siya insecure dahil “pata girl” siya.

“Mahaba ang legs ko pero hindi ko pa alam kung paano dalhin ang aking pata. So sabi ko bakit ganito, 21 inches lang ang baywang ko, pero ang laki ng pata ko,” say ni Karla.

Madami talagang matututunan sa momshies sa “Magandang Buhay,” na napapanood pa rin ng 11 AM mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.