Una sa Balita

Karla, Jam uunahang pakasal sina Kathryn, Daniel

0 1,212

Ang bongga ni Karla Estrada at parang siya lang si Kathryn Bernardo at marami ang interested sa kanyang love life. Very open na nga si Karla tungkol sa boyfriend niyang si Jam Ignacio.

So, kung si Kathryn at ang anak niyang si Daniel Padilla ay kilala sa tawag na KathNiel, ano kaya ang dapat itawag sa kanila ng boyfriend na si Jam? Hahaha!

Anyway, kasama ni Karla na nagpunta sa Antique ang boyfriend para sa taping doon ng “Magandang Buhay”. Birthday episodes niya ang kinunan doon dahil tumira siya roon 30 years ago. Bale homecoming na rin niya ‘yon.

Isang taga-“Magandang Buhay” ang inusisa ko kung kasama ba si Jam sa six episodes na kinunan nila roon at ang sagot nito sa akin ay, “May sit down interview si Jam, dapat abangan ‘yon!”

Wow, parang KathNiel lang talaga, huh!

Hindi na ikinuwento ng source ko kung ano-ano ang napag-usapan sa episode na kasama si Jam, pero for sure, kung sit down interview ‘yon, nagkuwento ang dalawa ng tungkol sa kanilang love life at kung paanong nagsimula ‘yon.

Ang bongga lang dahil parang ngayon lang talaga naging ganito ka-open ang nanay ni Daniel sa love life, huh!

Dahil kaya type na ni Karla na dalhin ‘yon to the next level? Uunahan pa kaya nina Karla at Jam sina Kathryn at Daniel sa pagpapakasal?

Well… well… well…

Basta ang bongga ng love life ni Karla, ‘yun lang ang masasabi ko!

Agree, Dondon?!

***

Martin, Pops sa Amerika magpa-Pasko

Si Martin Nievera lang yata ang hindi na nagliwaliw sa Italy after ng “ASAP Natin ‘To” in Rome dahil nag-fly na siya agad noong Sunday pa-Florida, USA. May show kasi roon si Martin.

Actually, may show siya around America at sa December 28 na ang balik niya ng Philippines para naman sa New Year’s countdown nila ni Pops Fernandez sa Solaire.

Yes, kasama sa shows ni Martin around America ang second leg ng “Two-gether Again” nila ni Pops. Bale sa Amerika na sila magki-Christmas at babalik sa bansa para nga sa New Year’s countdown nila.

Ang bongga ni Martin at ang bili-bili pa rin sa mga show. Walang kakupas-kupas dahil very professional!

Ilang beses ko na ring nasusulat na si Martin ang tipong may pa-meet and greet after ng kanyang performance at kahit pagod, hindi siya aalis habang may nakapila pa para magpa-autograph at magpapa-picture.

Hindi siya ‘yung tipong may time limit at kahit marami pa ang nakapila ay sorry na lang dahil hanggang doon lang ang usapan.

Kaya nga love na love si Martin ng kanyang promoters at producers! Hindi nga ba kahit ang staff, pinagluluto pa ni Martin. Ang hilig niyang gumawa ng hamburger for them. Ang bongga pa dahil iniihaw ang burger patties, huh!

Remember, Dondon, may isang pa-presscon si Martin na ginawa sa garden ng bahay ng kapatid ng manager niyang si Joy Alonzo dahil ang sinerve na burgers ay inihaw mismo ng singer ang patties doon.

Ang cute nga kasi habang ginagawan ni Martin ng burgers ang entertainment press ay iniinterbyu siya.

Bongga talaga mag-effort si Martin kaya hindi lang mga fan ang nagmamahal sa kanya kundi pati co-workers, staff and the entertainment press, ‘noh?!

Taray!

***

Gwen Zamora balik sa pagpapaseksi

Ang bilis talaga ng panahon at naka-three months na si Baby Cooper nina David Semerad at Gwen Zamora. Sabi ni Gwen, nakuha ng bata ang dimples ni David.

Unti-unti na nga rin palang nag-e-exercise si Gwen. Naka-one week na rin siya sa gym, pero nagagawa lang niyang mag-exercise kapag tulog si Baby Cooper.

Tutok kasi sila ni David sa pag-aalaga sa baby. Sobrang enjoy nga raw sila dahil nakatutuwa nga ang kanilang panganay!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy