Una sa Balita

Karla hindi na mukhang baboy

By
0 3,794

Since Saturday, apat na ang birthday celebration ni Ruffa Gutierrez at may iba pang naghihintay. Hind kasi big ang bawat celebration ni Ruffa. Group-group lang.

Nauna siyang nag-celebrate noong Saturday sa Manila Hotel sa isang intimate dinner na sinundan naman ng intimate party sa Cove Manila sa Okada Hotel at tumuloy pa sila sa The Revel at the Palace to party some more.

Noong Sunday naman na mismong birthday niya ay may intimate dinner sa Cru Steakhouse ng Manila Marriott Hotel kung saan um-attend ang karamihan sa mga malalapit na kaibigan niya.

Abante Hiring – IT dep

Unang dumating sa dinner na ‘yon si Karla Estrada, na in fairness, pumapayat na, kaya parang hindi na bagay ang ‘pambababoy’ sa kanya ng ibang mga fan ni Kris Aquino, huh!

In fairness to Karla, hindi siya umiwas sa akin. Hindi nga siya natakot na tanungin ko about sa intriga sa kanila ni Kris dahil sa kagagawan ng ilang mga fan, pero para good vibe nga lang sa birthday dinner ni Ruffa, hindi ko na siya kinulit pa tungkol doon dahil ang ganda-ganda rin ng mood niya, ‘noh?

Feel ko, happy rin si Karla na maraming nagsasabing malaki na ang ipinayat niya!

———–

Donita natakot kay Annabelle

Siyempre, mas sumaya dahil dumating din ang kabarkada nila na sina Donita Rose at Vina Morales, kaya ang ingay-ingay nila.

Si Donita, nang makita si Tita Annabelle Rama, medyo ‘natakot’ at baka sabihan na naman daw siya ni Bisaya na, “Ang taba-taba mo, Donita!” Hahaha!

Pero sabi naman ni Bisaya, napansin din niya na pumapayat na rin si Donita.

Singit naman ni Miss Universe 1999 first runner-up Miriam Quiambao, “Naku, alam mo naman si Tita Annabelle, dahil love tayo, palagi tayong pinagsasabihan.

“Noon nga, sinabihan niya ako, pinansin talaga ang suot ko,” sabi ni Miriam, na siyempre raw ay alam naman niyang concern lang sa kanya ang dati niyang manager.

———–

Bisaya todo-bantay sa alahas na suot ni Ruffa

Sa saya ng grupo, kung ano-ano ang napagkuwentuhan katulad ng mga alahas ni Bisaya na madalas ipahiram kay Ruffa.

“My gosh, kagabi, after sa Manila Hotel, sumama pa si Mommy sa Cove Manila. Aba, himala, nagtaka talaga ako, kasi 1:30AM na, hindi pa talaga siya umaalis.

“It turned out, nagbabantay pala siya dahil sa mga alahas niya na ipinahiram sa akin. Hahaha! Natatakot si Mommy na baka mawala ang mga alahas niya na suot ko!” kuwento ni Ruffa at tawanan ang lahat.

Naalala naman ni Bisaya ang ‘eksena’ nang mag-Ibiza (sa Spain) sila. That time, ipinasuot ni Bisaya kay Ruffa ang kanyang singsing at naloka na lang sila dahil nawawala na ‘yung bato, kaya kesehodang nasa loob sila ng disco, gumapang-gapang si Bisaya sa kahahanap.

“Then ‘yung isang friend ko, habang umiinom, akala niya, yelo ‘yung nasalat niya sa bibig niya, ‘yun na pala ‘yung diamond. Sa tuwa ni Mommy, bigla niyang nayakap ‘yung friend ko. Hahaha!” pagbabalik-tanaw pa ni Ruffa.

———–

Pops bumata, hindi nakilala ni Annabelle Alice lalong sumeksi

Magkasunod namang dumating sa birthday dinner na ‘yon ni Ruffa sina Pops Fernandez at Alice Dixson.

Habang papalapit si Pops, nagulat si Bisaya kung sino ang babaeng nakangiti sa kanya.

“’Day, hindi kita namukhaan!” sey ni Bisaya kay Pops nang humalik at bumati na ito sa kanya.

“Ang bata-bata ng dating mo. Iba ang hitsura mo ngayon!” sey ni Bisaya kay Pops.

“Tita, nanibago ka lang, may bangs lang kasi ako ngayon. Heto lang namang bangs ang nabago sa akin,” sey ni Pops, na in fairness, sobrang bata ng dating.

“Siguro may boyfriend ka ngayon,” sita pa ni Bisaya kay Pops.

“Hindi talaga, Tita, wala!” pagde-deny naman ni Pops tungkol sa kanyang lovelife.

Si Alice naman, fresh na fresh din ang dating, kaya hindi rin siya namukhaan kaagad ni Bisaya.

“Ang sexy mo!” puri pa ni Bisaya sa original ‘I Can Feel It’ girl.

———–

Jordan no-show sa birthday party ni Ruffa

Napansin naman ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Charade Puno (na kasama sa dinner ang mister na si Dody Puno) na wala ang boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal, kaya tinanong niya si Bisaya tungkol doon.

“Kaya nga nandito ang beauty ko, wala ‘yon (Jordan). Kung nandito kasi, ‘di hindi n’yo ako nakita rito!” sey ni Bisaya na siyempre ay vocal pa rin sa pagsasabing hindi pa rin niya tanggap para kay Ruffa ang boyfriend ng anak.

May nakapagsabi naman na nasa abroad si Jordan kaya no show ito sa birthday dinner ni Ruffa.