Una sa Balita

Karla, Gabbi, Moira dinamay ng mga basher ni Julia

0 777

Kasunod ng pagbuwelta sa Twitter kamakailan ng aktres na si Julia Barretto kaugnay sa mga isyung kinasasangkutan nito, partikular sa pag-iwan umano kay Joshua Garcia kung saan nilinaw nito ang totoong sitwasyonnila ni Joshua, binuksan na rin niya ang comment sectionsa kanyang Instagram.

Pero, ‘yun nga lang, limitado pa rin ang mga mensahe, na ang mga magaganda at pabor na mensahe lang sa kanya ang papayagan niyang ma-post, at automatic na deleted ang mga panlalait sa kanya. Ilan sa mga unang pumuri o nag-comment sa litrato ni Julia ay sina Gabbi Garcia,Jessy Mendiola, Karla Estrada,Moira Dela Torre at ang pamilya nito na sinaMarjorie at Dani Barretto.

‘Yun nga lang, sa ibang social media account na lumabas ang suporta ng mga naturang artistangnabanggit kay Julia, tila nadamay rin sila sa galit ng mganetizen, ha! Kung ano-ano ring panlalait ang ibinato sa kanila.

Simula nga kasi nang pumutok ang isyu sa hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo kung saan sinangkot si Julia, kapansin-pansin para sa mga fan ang pagbubura nito ng mga comment at pag-ooff sa comment section nito sa Instagram. Samantala, ang ibang netizen naman ay patuloy na inaabangan ang iba pang detalye na bibitawan ni Julia sa oras na magsalitaito sa publiko.

Pero ‘yun nga lang,parang nakakondisyon na ang isip ng marami, na kahit ano pa ang sabihin ng Kapamilya

young star ay wala nang silbi pa sa kanila, dahil ang suporta nila ay na kay Bea na! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy