Una sa Balita

Karl Gabriel biglang nabuhay nang patayin sa commercial

By
0 743

November 25, 2018 pa ‘yung interbyu ko kay Karl Gabriel na ipinost ko sa YouTube channel ko (Dondon Sermino), at parang dedma lang ang mga manonood. Walang nag-react, at hindi man lang nila kinilala kung sino ang binatang ini-interview ko.

Pero, biglang-bigla, nagkaroon ng mga notification sa YT ko, at tungkol kay Karl ‘yon. Biglang-bigla nagkaroon ng interest sa kanya ang mga netizen, fan.

Sino si Karl Gabriel? Si Karl na unang sumali sa “Pinoy Boyband Superstar,” pero ang episode raw niya ay hindi ipinalabas sa TV, sa ABS-CBN.

Presscon ‘yon ng “Kahit Ayaw Mo Na,” na kung saan ay ka-love interest siya ni Kristel Fulgar. And after that, wala na kaming narinig sa kanya.

At ‘yun na nga, biglang sikat ang binata. At dahil ‘yon sa commercial ng Jollibee, na kung saan ay gumanap nga siya bilang si Paul, ang namatay na dyowa ng bidang babae, na nakahanap ng kaibigan at ipapalit sa kanya.

Guwapong-guwapo ang mga fan kay Karl sa commercial na ‘yon. At kaloka, na ang interbyu namin sa kanya 3 months ago, na dinedma lang noon, ngayon ay parang biglang nabuhay.

Anyway, marami nga ang naluha sa commercial na ‘yon na ang titulo ay #Choice na humamig na nang mahigit 3 milyon views, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy