Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Karizma, Tiger Boy sa 3YO Maiden Race

0 60

BAKBAKAN ang masisilayan ng mga karerista sa pagitan nina Karizma at Tiger Boy pagharap nila sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pili ng mga karera tipster na pangprimera sa programa sina Karizma at Tiger Boy sa distansitang 1,400 metro subalit ayon sa ibang karerista ay mahuhusay din ang kanilang makakalaban kaya posibleng may sumalikwat na iba.

“Lamang sa laban sina Karizma at Tiger Boy pero hindi pa rin sila siguradong mananalo, siguradong naghanda din naman ang ibang kasali,” saad ni Roy Duremdes, karerista.

Gagabayan ni jockey RJ Tabor si Karizma habang si AR Villegas ang sasakay kay Tiger Boy, ang ibang kasali sa event na nakalaan ang added prize na P10,000 sa mananalong 3-year-old na kabayo ay sina Shine, Trust Saving, Todo Pong, Engineer Bigote at Signature Whiskey.

Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya naman tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.

Suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang mga naka-lineup na karera na ilalarga. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.