Una sa Balita

Karibal sa bentahan ng droga, driver binoga

By
0 8,014

Nasawi ang isang driver matapos patraydor na barilin sa ulo ng isang lalaking sinasabing kakompetensiya nito sa pagbebenta ng iligal na droga habang nag-aalmusal sa harapan ng kanilang taha­nan kamakalawa ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Andres Antoniano, alyas ‘Boying’, 30, matapos na barilin sa ulo ng suspek na si Carlito Beran, alyas ‘Puti’, 41, residente ng 886 Sto. Niño Street, sa Tondo.

Ayon kay PO2 Jayson Emata, ng Manila Police District (MPD)-Station 1,­ nabatid na dakong alas-kuwatro ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa harapan mismo ng bahay ng biktima sa 325 Coral St., sa Tondo.

Ayon kay Mary Ann Go, ka-live in ng biktima,­ nag-aalmusal si Boying nang mula sa likuran ay sumulpot ang suspek at kaagad na binaril ng dalawang ulit sa ulo ang c, gamit ang hindi batid na kalibre ng baril, saka mabilis na tumakas.

Sa impormasyon nakuha ng pulisya posibleng may kinalaman ang pagpatay sa drug activities ng magkabilang partido pero patu­loy pa umano nilang iniim­bestigahan ang insidente.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek.