Una sa Balita

Karibal ginilitan sa tindi ng selos

0 321

DAHIL sa matinding se­los kaya nilaslas sa leeg at pinagsasaksak­ ng isang obrero ang kari­bal nito na nagresulta sa agarang kamatayan ng isang 41-anyos na painter matapos nitong makita ang huli na ka­yakap ang kanyang da­ting live-in partner sa Bacoor City, Cavite.

Dead on-the-spot ang biktimang si Cesario Cajeda, ng Creekside Area A, Queensrow Central, Bacoor City, Cavite nang saksakin ng kapitbahay nitong suspek na si Wilson Partidas ng Creekside Area A, Queensrow Central, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Roy Vincent Reyes ng Bacoor City Police Station, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang maaktuhan ng suspek ang biktima at dati nitong live-in partner na si Michelle Enofre ng Block 1 Lot 31, Mahogany St., Springville Garden 3 Molino 3, Bacoor City, Cavite habang naglalambingan.

Dahil sa galit at ma­tinding selos na naramdaman, nilapitan nito ang biktima, hinawakan sa ulo at nilaslas ang leeg nito.

Bagama’t may tama na si Cajeda, nagawa pa itong tumakbo subalit hinabol siya ng suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan “Dalawang buwan na nagsasama ang suspek at si Michelle su­balit iniwan siya ng huli dahil nananakit umano ang lalaki. Kaya nang naaktuhan niya ang da­lawa sa kanilang sweet moments ay nagselos ito. Isa itong halimbawa ng ‘crime of passion’.” ayon kay PO3 Reyes.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng Bacoor City Police habang ang katawan ng biktima ay nakalagak sa Mesina Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya. (Gene Adsuara)