Una sa Balita

Kargada ni Zoren muntik dumungaw sa away kay Benjamin

By
0 1,887

Borta-fest kung tawagin ng mga beki ang male cast ng bagong brunch time teleserye ng GMA-7 na ‘Kapag Nahati Ang Puso.’ Mabubusog nga raw ang maraming girls at beki sa pagpapakita ng katawan nina Zoren Legazpi at Benjamin Alves.

Kasama rin sa cast ang model-turned-actor na si David Licauco na siguradong hindi magpapatalo kung pagpapakita rin lang ng mga abs.

Sa naganap na media launch ng naturang teleserye, dinaig pa nina Zoren at Benjamin ang female cast ng ‘Kapag Nahati Ang Puso’ na sina Sunshine Cruz at Bea Binene sa pagpapakita ng katawan.

Natatawa ngang kuwento ni Zoren na for the first time ay napasabak siya sa mga topless scenes. Mabuti na lang daw at na-maintain niya ang slim na katawan niya para sa pagsimula ng natu­rang teleserye.

“Actually, tu­maba na nga ako ulit bago nag-taping. Matagal kasi akong natawagan para sa teleserye na ito.

“Noong sinabihan na ako, I hit the gym twice a day. Iniba ko ang diet ko para ma-achieve ko ‘yung look ng character ko.

“This is the first time na ilang beses akong nagtanggal ng shirt ko. Ewan ko na lang kung ano ang masasabi ni Mina (Carmina Villarroel) kasi hindi ko sinasabi pa sa kanya ang mga eksena ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa pa ni Zoren.

Sa isang eksena naman daw kung saan nag-mud wrestling sila ni Benjamin Alves, wala raw suot si Zoren na underwear sa loob ng shorts niya.

“Usually, I bring four to five underwears kapag taping. Nakalimutan yatang isama ng P.A. ko ‘yung container na nandoon ang mga underwear ko. Kaya kung ano ang suot ko that day, yung lang ang underwear ko talaga.

“Eh, mud wrestling ‘yung eksena. Kapag naputikan na ang suot kong brief, wala na akong masusuot for the rest of the taping.
“Kaya tinanggal ko na lang ‘yung underwear ko at naka-shorts lang ako. Kaya going commando ako!

“Nag-suggest na lang ako na huwag kaming kunan na nakatayo na nag-aaway sa eksena. Since mud wrestling iyon, nakadapa na lang kami sa putik pareho ni Benjamin. Doon na lang kami umiikot-ikot.

“Mahirap na at baka may biglang may sumilip! Baka may mag-good morning sa mga manonood ng eksena! Ha! Ha! Ha! Ha!” mala­kas na tawa pa ni Zoren Legazpi.