Una sa Balita

Karerista hilig manilip

0 288

MAY mga kareristang nais manaya sa mga bagitong kabayo, ito iyong mga kalimitan ay gumigising nang maaga para tumungo sa pista at magmamasid sa mga ensayo.

Kaya ayon kay Joselito Padua, karerista na taga-Batangas, aaba­ngan niya ang Three-Year-Old & Above Maiden Race mamayang ala-6:25 nang gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

“Sa maiden races kasi makakasi­lip ka ng pandehado basta napapanood mo sa pista, kasi doon pa lang makikita mo na may husay,” kuwento ni Padua na 43 years nang karerista.

“Ginagawa ko sinusulat ko pa­ngalan nila tapos aabangan ko pagtakbo.”
May 11 na bagitong kabayo ang sasalang sa nasabing karera na may distansyang 1,400 metro, inaasa­hang papatok sa bentahan si Space Jam at magkakamping sina Mount Kabunian at Mount Arayat.

Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay sina Peace Of Mind, Jewel In The Sky, Signature Move, Mas Sexy, Big Girl, Classic Princess, Act Of Kindness at Jinxky.

Nakalaan ang P10,000 added prize para sa mga 3YO na unang tatawid sa meta. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More