Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Karen, Luchi nagharap sa TV5

0 974

Naku, Dondon (my dear editor), hindi ako magtataka kung may mang-intrigang lilipat na sa TV5 si Karen Davila after na hindi nga maaprubahan ng kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN para sa frequency nila, huh!

Noong July 30 kasi ay nag-taping si Karen para sa pilot telecast ng “Usapang Real Life (URL)”, ang new magazine show ng News and Public Affairs chief nila na si Luchi Cruz-Valdes.

Ang Kapamilya network newscaster ang unang guest ni Luchi sa bagong show na magpa-pilot telecast sa TV5 on August 15, 9:00PM.

At para maiba raw, pilot telecast pa lang ay nag-“take over” na sa show si Karen dahil siya ang nag-interbyu kay Luchi, ‘noh?!

Sabi ni Ms. Marge Natibidad na executive producer ng show, “This is exclusive! Two award winning broadcast journalists in one frame! Karen Davila interviews Luchi Cruz-Vales!

“Kuwentuhang totoo mula sa kanilang karanasan bilang mga mamamahayag hanggang sa kanilang personal na buhay.

“Mula sa K-drama, pilikmata, hanggang sa ayos ng buhok, at sa kaniya-kaniyang mga pagsubok sa buhay hanggang sa rebelasyon ni Ms. Luchi ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang buhay nang maospital siya ng tatlong buwan!

“Walang atrasan!”

Mismong si Luchi raw ang kumausap kay Karen para sa guesting na ‘yon ng ABS-CBN newscaster para sa pilot telecast ng kanyang show.

Close raw talaga sina Luchi at Karen.

“Super close friends sila. Both are Christians. Si Ms. Luchi ang kumausap mismo kay Karen para sa guesting na ‘yon!” sabi ni Marge.

So, magkakaroon din ba ng show sa TV5 si Karen?

“Wala pa. ABS-CBN pa rin si Karen. Pinayagan din lang siya ng head/SVP for News and Current Affairs ng Kapamilya network na si Ms. Ging Reyes dahil kakilala rin siya ni LCV (Luchi),” paliwanag ng kausap ko.

Ang Content Cows ni Ms. Wilma Galvante ang line producer ng magazine show ni Luchi at like her, pati rin si Karen, pare-pareho silang galing sa GMA 7, huh!

Ang saya-saya!

Tutukan sa ‘Anything Goes’:

Tootsie Guevarra walang kupas

Mamayang 2:00PM ipapalabas sa “Anything Goes” show ko sa Facebook page ng Abante News Online ang interbyu ko sa dating “That’s Entertainment” member na si Tootsie Guevarra.

Pinuntahan ko si Tootsie sa bahay niya sa Tustin sa Orange County, California.

Sa episode na ‘yon, ipinakilala sa akin ni Tootsie ang Italian husband niya na ipinanganak sa Canada at lumaki sa California, pati ang anak nila.

‘Katuwa nga, Dondon, dahil nagpa-sample pa ng kanta si Tootsie, huh!

‘Yung ‘Kaba’ song niya under Star Records na sobrang sumikat noong bago siya nag-quit sa showbiz ang isa sa pina-sample ni Tootsie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.