KAREN IBASCO NG MANILA, WAGING MISS PH EARTH 2017!

By

miss-ph-earth-2017-winners
MISS PH EARTH 2017 WINNERS

Ang kandidata mula sa Maynila na si Karen Ibasco ang kinoronahan bilang Miss Philippines Earth 2017 sa Mall Of Asia Arena last July 15.

Si Karen ang magre-represent ng Pilipinas sa Miss Earth 2017 sa November, na dito rin sa Pilipinas gaganapin.

Si Karen ay 26 years old, na may pamatay na alindog na 33-24-33. Hindi naman ­lingid sa kaa­laman ng lahat na ­unang sumali si ­Karen sa 2016 ­Binibining Pilipinas, bago siya sumali at nagwagi sa Miss ­Philippines Earth.

Winner naman si Miss Caloocan ­Jessica Marasigan ng Miss ­Philippines Water. Si Miss Lobo Batangas Vanessa Mae Castillo ang nanalong Miss Philippines Eco Tourism.

Naiuwi naman ni Miss Olongapo Kim de Guzman ang titulong Miss Philippines Air. Habang si Miss Misamis ­Oriental Nellza ­Bautista ang tinanghal na Miss Philippine Fire. 

SHARE