Una sa Balita

Karen Gallman super iyak, hirap sa paghahanda sa Miss Intercontinental

0 910

Ni: Ruel Mendoza

Mas ramdam daw ni Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman ang pressure sa pag-compete niya sa Miss Intercontinental 2018 dahil dito sa Pilipinas gaganapin ang natu­rang pageant. Magaganap ito sa January 26 sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay Gallman, panay ang trai­ning niya at minsan ay naiiyak na siya sa sob­rang hirap ng trai­ning, pero kailangan daw niyang gawin para hindi siya mabigo sa pag-compete sa naturang pageant.

“I want to enjoy it, every moment of it. And try my best as well to win the crown.

“With Miss Intercontinental 2018 being held in my nation, it makes me very proud because not only I will have my country suppor­ting me there on stage every mi­nute, but because it gives everyone on the outside the chance to see our amazing country,” diin pa niya.

Wala pang Pinay na nanalo bilang Miss Intercontinental. Pero naging naging first runner-up ng dalawang beses ang Pilipinas noong 2015 (Christi McGarry) at 2017 (Katarina Rodriguez).

Ang pinakamara­ming winner ng Miss Intercontinental ay ang bansang Venezuela with 5 winners.

Tulad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, Fil-Australian din si Gallman at sumali na ito noon sa Bb. Pilipinas in 2012 at naging finalist lang siya.

Sumali siya ulit after six years at ngayon ay ire-represent na niya ang Pilipinas sa isang international beauty pageant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy