Una sa Balita

Karen Gallman angat ang ganda sa Miss Intercontinental

0 576

abante-anything-goes-jun-lalinAng bongga ng press launch ng Miss Intercontinental 2018 noong isang araw sa Sofitel Philippine Plaza Hotel. Ang ating official representative na si Ka­ren Gallman ang nagwaging Media Favorite (Darling of the Press) at HH Standout Beauty, kaya may $1,000 kaagad siya, huh!

Nagagandahan ako kay Karen, kaya naman nairita ako sa isang Pinoy fan na um-attend doon at nagsabing medyo maliit daw ang ating representative sa nasabing international beauty pageant, ‘noh?!

Pero, feeling ko malaki ang chance ni Karen, at mukhang makukuha talaga niya ang korona, ha!

Death anniversary ni Direk Maryo pinaplano ng mga kaibigan

Nakita ko sa isang restaurant sa Timog Avenue, Quezon City ang mga kaibigan ng yumaong premyadong direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Nagtipon-tipon doon ang GMA 7 executives na sina Ms. Lilybeth Rasonable, Ms. Redgie Acuña-Magno, at Ms. Marivin Arayata (retired), scriptwriter Senedy Que at sina Rex Cortez, Luz Valdez, talent manager June Rufino, Nonoy Rasonable, Representative Yul Servo at iba pa.

Sabi ni Tita Lilybeth, ang first death anniversary sa January 27 ni Direk Maryo ang pinag-usapan nila. May pa-mass for Direk Maryo, pero ang iba pang activity sa araw na ‘yon ay hindi pa nila masabi.

Ang bilis nga ng paglipas ng mga araw dahil parang kailan lang nang i-confirm ni Tita June na yumao na nga ang kaibigang direktor at ngayon in two weeks ay first death anniversary na nga ng premyadong direktor.

Mga kaganapan sa Pacquiao-Broner fight idedetalye sa Abante Live

As you read this, nakaalis na ako papuntang Los Angeles, California. Magko-cover ako ng boxing fight ng ating Pambansang Kamao na si Representative Manny Pacquiao laban kay Adrien Broner na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena on January 19 (January 20 nang umaga sa atin).

Siyempre, imi-meet ko muna sa Beverly Hills, California si Raymond Gutierrez na hanggang ngayon ay nandoroon para sa ilang shows ng E! Internatio­nal cable network na ipinapa­labas around Asia.

Last weekend, nag-cover din si Raymond ng Golden Globe Awards para sa E!
Iinterbyuhin ko na rin si Raymond tungkol sa event na ‘yon para personal siyang tanungin kung ano ang na-experience niya sa red carpet cove­rage niya.

Siyempre, ipapalabas namin sa Facebook page ng Abante News Online ang interview na ‘yon, including some live updates na gagawin namin du­ring the Pacquiao-Broner fight.

Si Raymond nga pala, nakatsikahan ko bago ako umalis at ang sabi, gusto niyang manood din ng nasabing boxing fight. Wala raw siyang work that weekend, kaya puwede siyang mag-Las Vegas.

Tamang-tama naman na ‘yon ang weekend before his birthday on January 21, kaya gusto rin daw talaga niyang mag-out of town.

Actually, on his birthday, baka may work nga raw siya sa E! na ang studios ay nasa Universal Studios, kaya better to celebrate na raw sa Las Vegas.
Eh, mukhang magkikita rin sila ng ate niyang si Ruffa Gutierrez sa Las Vegas.

As of Friday, gusto rin ni Ruffa na manood ng Pacquiao-Broner boxing fight. Isang kaibigan kasi ang nagyayaya sa kanya na magpunta sa Las Vegas para sa event na ‘yon.

“That will be so exciting kapag natuloy kami dahil nasa Las Vegas na si Mond!” sey ni Ruffa.

Teka! Si Bisaya (Annabelle Rama) naman ay nakaismid sa plano ni Ruffa na mag-Las Vegas dahil baka may isama na naman daw ito na kilala n’yo na kung sino, ‘noh?!

Julie Anne kinumpirma ang hiwalayan kay Benjamin

So, Dondon, ano ang masasabi mo sa kulot na buhok ni Julie Anne San Jose? Sumipa na kaya talaga ang career ni Julie Anne this 2019 sa kanyang bagong hairstyle?

Makatulong din kaya sa kanyang tuluyang pagni­ningning ang pag-confirm niya na break na sila ni Benjamin Alves?

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy