Una sa Balita

Karapatang pambata pahalagahan at gampanan

0 680

Itinalaga po ang buwan ng Nobyembre bilang ‘National Children’s Month’ sa ilalim ng Republic Act 10661 na nilagdaan ni Pa­ngulong Aquino noong taong 2014.

Paggunita po ito sa pagtanggap ng United Nations General Assembly sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) noong ika-20 ng Nobyembre 1989. Ngayong taon po ang ika-30 anibersaryo ng UNCRC.

Kaya’t nagpapasa­lamat po tayo sa Department of Education, CHED, TESDA, Natio­nal Youth Commission, Council for the Welfare of Children, gayundin po sa lahat ng mga non-go­vernment organization sa pagsisikap nilang mapalalim ang kamalayan ng buong sambayanan sa mga karampatang pambata.

Direkta ang pahayag ng ating konstitusyon na dapat bigyan ng pagkalinga ang mga bata, kasama ang wastong pag-aalaga at nutrisyon, at proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pag-aabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakapipinsala sa kanilang pag-unlad.

Ito po ang dahilan kung bakit nakiisa tayo sa pagsusulong ng ‘Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act’ na ganap na batas na po ngayon. Itinatakda ng Republic Act 11037 na dapat magkaroon ng national feeding program para sa mga mag-aaral sa day care, kindergarten at elementarya na undernourished.

Bukod sa nutrisyon, tinututukan din po natin ang isyu ng child labor.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, may tinatayang 2.1 milyong child laborer na may edad 5-17 sa bansa. Nakasaad po sa Philippine Development Plan na kailangang mabawasan ng 630,000 ang bilang ng child laborer sa taong 2022.

Nakikita po nating solusyon dito ang pag-amyenda sa Republic Act 9231 o ang ‘Anti-Child Labor Law’. Isinumite po natin ang Senate Bill 711 na naglalayong itaas ang multa at parusa para mapigil ang pagdami ng mga batang nagtatrabaho sa murang edad. Magsasagawa po ang ating Committee on Labor ng pagdinig hinggil sa naturang panukala.

Maganda po ang napiling tema ng Council for the Welfare of Children ngayong taon: ‘Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan’ dahil pagkilala po ito sa papel ng mga bata bilang katangi-tanging kayamanan ng ating estado.

Nakaangkla po sa temang ito ang patuloy nating panawagan na gawing puso ng ating education and training system ang values education kung saan dapat nakapaloob ang pagtuturo ng GMRC o ang kagandahang asal at wastong pag-uugali sa mga bata.

Kaugnay nito, itinutulak din po natin ang Senate Bill 618 o ang ‘Immorality, Pornography and Obscenity Deterrance Act’ dahil naniniwala po tayong tungkulin ng buong sambayanan ang pagpapaigting ng mga positibong pagpapahalaga ng mga Pilipino.

Isang masaya at ma­kabuluhang pagdiriwang po ng National Children’s Month sa inyong lahat!

Job Fair Schedule:

Araw ng Pantukan Job Fair—Pantukan, Compostela Valley—November 11
Limay Job Fair—Wawa, Limay, Bataan—November 12 Pangasinan Job Fair—Pangasinan PESO, Capitol Complex—Lingayen, Pangasinan—November 12
21st Kalimudan Festival Job Fair—New Capitol, Isulan, Sultan Kudarat—November 13 Malabon Mega Job Fair—Robinsons Town Mall—Tinajeros, Malabon City—November 14

senatorjoelvillanueva@yahoo.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy