Una sa Balita

Karapatan ni Abueva bina-violate ng PBA — Alas

0 484

talaga ba?

NAGPAPADRINO si Phoenix Pulse Fuel Masters forward Calvin Abueva sa Games and Amusements Board (GAB) para sa mas maaga nitong pagbabalik sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ito ang isiniwalat ni Phoenix coach Louie Alas matapos na lumapit ang pamunuan ng koponan hinggil sa mas detal­yadong kapaliwanagan sa naging kaparusahan ni Abueva.

“Kailangan na mabigyan ng linaw kasi bina-violate ‘yung rights niya,” sabi ni Alas.

Sinabi ni Alas na sumulat na si Abueva sa Games and Amusement Board upang ipaliwanag ang kanyang parte sa mga naganap na insidente kontra kay TNT import Terrence Jones nakaraang buwan.

“Nagawa na kanina, addressed dun sa chairman ng GAB (Abraham Mitra),” sabi ni Alas matapos na mabigo ang Phoenix sa San Miguel Beermen Miyerkoles nang gabi.

Ipinaliwanag ni Alas na kinonsulta nila ang kanilang mga abogado hinggil sa naging desisyon ng liga na patawan ng indefinite suspension si Abueva.
“Wala kasing parameters kung bakit nasuspindi. Hindi malinaw. Sabi ko nga, kapag ganun na indefinite suspension, nagtanong din kasi ako sa lawyer, dapat may binibigay na para­meters kung bakit mo sinu-suspend indefinitely,” sabi lamang ni Alas patungkol kay Abueva na kabisado na nito sapul na magkasama sa koponan ng Alaska.

“‘Yun lang ‘yung advice na masasabi ng lawyer. Kailangan bigyan nila ng linaw ‘yung tao kasi parang vina-violate nila ‘yung rights niya eh,” paliwanag pa ni Alas.

Matatandaan na nasangkot si Abueva sa ilang insidente na una ang ‘obscene gestures’ sa isang babae na bandang huli ay nakilala na girlfriend ni Bobby Ray Parks, Jr, na si Maika Rivera sa labanan ng Phoenix kontra Blackwater at huli ay sa pagbigay ng isang clothesline kay Jones sa laban nito kontra sa TNT.

Sinubukang kunin ng Abante ang panig ni Commissioner Willie Marcial kaugnay sa issue subalit wala pa itong tugon sa text.

Maging si Dave Coros, media officer ng PBA, ay sinabing ipaparating na lamang kay Marcial ang text ng Abante.

“Wala si Com at the moment, sasabihin ko na lang pagda­ting,” sabi ni Coros. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy