Una sa Balita

Karapatan ng urban poor, sisilipin

0 166

Hinikayat kahapon ni Manila 2nd district Rep. Carlo V. Lopez ang National Housing Authority (NHA) na tiyaking naipapatupad hanggang ngayon ang Presidential Decree 2016 at Republic Act 7279 o Urban Housing and Development Act na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga maralitang taga-lungsod sa pabahay.

Ayon kay Lopez, vice chairperson ng House committee on housing na ipinagbabawal sa ilalim ng Presidential Decree 2016 ang pagbuwag ng tahanan ng mga pamil­yang ang tinitirikan ay napapailalim sa areas for priority development o deklaradong ‘urban land reform zones.’

Bukod dito, sinabi ng Tondo solon na nakasaad din sa nabanggit na dekreto na ang mga lupaing ito ay exempted din sa pagbabayad ng real property taxes.

Kasabay nito, nakatakdang maghain si Lopez ng isang resolusyon sa Kamara na layong siyasatin ang umano’y posibleng paglabag sa karapatan ng mga urban poor sa ilalim ng decree na nagsasaad na ‘244 sites’ ang saklaw nito sa Metro Manila na deklaradong APD o Urban Land Reform Zones.

Tinukoy ni Lopez na sa ilalim ng decree na ang ‘Eviction’ ng mga nakatirang pamilya sa APD o urban land reform zones ay labag sa Urban Land Reform Law.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More