Una sa Balita

Karapatan ng solo parent

0 388

Dear Atty. Claire,

Buntis pa lamang ako noon nang hiwalayan ng dati kong boyfriend at iniwan sa akin ang responsibilidad sa pagpapalaki ng anak namin. Sa ngayon ay nagpapadala lang siya ng mga pangangaila­ngan ng batas.

Maituturing ba ako bilang solo parent? May trabaho naman ako pero sapat lang ang suweldo ko para sa amin ng anak ko.

Ano po ba ang maaari kong mapakiusap sa aking employer dahil medyo hirap ako sa oras ko?

Nais ko rin sana makakuha ng housing loan para sa murang pabahay lamang po. May karapatan po ba ako?

Maraming salamat po,
Dianne

Dear Dianne,

Mabuti naman na kahit paano ay nakakaya mo ang situwasyon mo sa ngayon at hindi mo inisip na ipasa sa iba ang pag-aalaga sa anak mo.

Ayon sa Republic Act No. 8972 o Solo Parents’ Welfare Act of 2000, ang solo parent ay maaaring isang:

(8) Unmarried mother­/father who has preferred to keep and rear her/his child/children instead of having others care for them or give them up to a welfare institution;

***

Kaya ikaw ay maituturing na isang solo parent. Binibigyan ng maraming prebilehiyo ang isang solo parent kahit pa na hindi siya papasok sa poverty line, tulad ng mga sumusunod:

Section 6. Flexible Work Schedule – The employer shall provide for a flexible working schedule for solo pa­rents:

Provided, That the same shall not affect individual and company productivity: Provided, further, That any employer may request ­exemption from the above requirements from the DOLE on certain meritorious grounds.

Section 7. Work Discrimination – No employer shall discriminate against any solo parent employee with respect to terms and conditions of employment on account of his/her status.

Section 8. Parental Leave – In addition to leave privileges under existing laws, parental leave of not more than seven working days every year shall be granted to any solo parent employee who has rendered service of at least one year.

Section 10. Housing Benefits – Solo parents shall be given allocation in housing projects and shall be provided with liberal terms of payment on said government low-cost housing projects in accordance with housing law provisions prioritizing applicants below the poverty line as declared by the NEDA.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lang sa 84107624 o 89220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More